top of page

Mahigit Kumulang 27,832

Gunita sa mga nasayang na alaala na dulot ng bala na galing sa mga pasista; walang bakas ng pahimakas, hindi dito nagtatapos ang pagsigaw para sa hustisya.


ABS-CBN News. (2017). Candles lit for EJK victims [Image]. https://news.abs-cbn.com/news/multimedia/photo/02/23/17/candles-lit-for-ejk-victims.

 


Una, pangalawa

Ikatlo hanggang sa ika-apat

Wala nang madama

Bala lang pala ang katapat

Katawa’y humandusay

Bumagsak ang kalansay

Sakit ang tanging bulong

Walang mahingian ng tulong

Natutunaw na ang natitirang kandila

Nauupos na ang mitsa

Natutusta nang natutusta ang mga ala-ala

Nasisiram ang pag-asa

Sabi nila, mahirap pumanaw at iwanan ang nakagisnan

Mahirap tingnan na natutunaw ang sariling katawan

Ngunit mas mahirap mamatay nang lumalaban;

Ng walang kalaban-laban

Na ang kinakalaban ay ang sariling pamahalaan

Na siyang dapat na lumalaban para sa mamamayan


Sabi ng paslit, nakakatakot daw ang mamang pulis

Nakakatakot daw ang tunog ng putok ng baril

Sabi ng ina, mas nakakatakot ang paghandusay ng hustisya


- Aericka Capili



Comments


Drop Me a Line, Let Me Know What You Think

Thanks for submitting!

© 2023 by Train of Thoughts. Proudly created with Wix.com

bottom of page