top of page

Liwanag

  • Writer: Aleczandra Paula F. Perez
    Aleczandra Paula F. Perez
  • Apr 26, 2022
  • 1 min read

Updated: May 3, 2022

Liwanag is about a girl who was going through a difficult time but then found someone who gave her hope to move forward in her life.

ree

Madilim ang aking tinatahak

Hindi alam kung saan tatapak.

Alam kong ‘di ako nag-iisa

Nand’yan ka‚ kasama ko sa tuwina.

Ang nagsilbing ilaw ko ay ikaw

Aking buhay ay biglang luminaw.

Nakita ko na ang tamang daan

Tungo sa puso mong walang hanggan.

Ika’y kakaiba’t nag-iisa

Walang papantay sa iyong ganda.

Nang ika’y makita ng mata ko

Puso’y tinamaan ni kupido.

Maraming bituin na kumukislap

Ikaw lang ang laging hinahanap.

Masilayan lang ang iyong ganda

Ako ay napapangiti mo na.

Kapayapaan na hinahanap

Sa piling mo lang ‘to malalasap.

Hinintay ang pagsapit ng gabi

Upang mapagmasdan ka muli.


- Hope

Comments


Drop Me a Line, Let Me Know What You Think

Thanks for submitting!

© 2023 by Train of Thoughts. Proudly created with Wix.com

bottom of page