Buwan kong InibigAleczandra Paula F. PerezApr 26, 20221 min readUpdated: May 3, 2022Buwan kong iniibig is about a girl in love with this person but they can’t be in a relationship but still, she continues to admire them from afar. Suntok sa buwan kong pag-ibig,Na palagi mong winawaglit.Noon pa ma'y hindi mo dinig,Sigaw ko sa buwang nakatirik.Sumilip ka naman sinta ko,Tignan mo't nandito lang ako.Kay hirap mo namang mahalin,Kasing hirap mong tingalain.Buwan na aking minamahal,Ako ba ay nakakasakal?Hiling ko'y pakinggan mo naman.Ako rin ay may pakiramdam.Sa dulo ng ating walang hanggan,Mukang ako'y magmamasid na lang.Sapagkat ika'y isang buwan,At ako'y hamak na bituin lang.Kung ito'y hanggang dito na lang,Ako na ay magpapaalam.Pagod na akong maging mangmang.Taong tila isang buwan- Hope
Comments